Wednesday, January 27, 2010

Recollection Reaction Paper

DENALENE KYLA C. ENCABO
FIRST YEAR – ST. PAUL OF THE CROSS



REFLECTION IN RELIGION


ABOUT MY RECOLLECTION


Bago ko simulan ang aking ‘reaction paper’, ipahintulot ninyong aking ilahad o ikuwento muna ang mga pangyayari sa araw ng aking ‘recollection.


Kkkkrrrrrriiiiinnnnngggg………. Tunog ng aking alarm clock noong kinaumagahan ng ika – 19 ng Enero taong 2010. Sa lakas ng tunog ng aking alarm, ako’y nagulantang at minulat ko na ang aking mata upang bumaba na ng bahay. Nagpunta ako sa banyo upang mag-hilamos ng mukha at magmumog. Pagkatapos ay kumain na ako ng almusal kasabay na aking mga . kapatid. Matapos kumain, ako ay naligo na. Tapos isinuot ko na ang aking Intrams t-shirt ng Paul Cross. At bago mag- ala syete ako’y nakarating sa paaralan.


Sumakay ako sa bus na nakatalaga para sa aming section. Bago umalis ang bus, nagdasal muna kami para sa isang ligtas na paglalakbay at sa tagumpay n gaming recollection. Ito ay ginawa naming sa pamumuno nina Armando at Allyssa. Dahil sa trapik na aming naranasan habang daan, kumain muna kami ng merienda. Upang malibang habang nasa daan patungong Sucat, hinayaan muna kaming manood ng Sesame Street sa TV sa loob ng bus. Hindi na namin natapos ang panonood ng nasabing pelikula dahil nakarating din kami sa center. Ang center ay tinatawag na DIOCESAN CURIA CENTER at ito ay matatagpuan sa Sucat, Parañaque City.


Dito ay nakita namin ang isang fish pond na aming napag-alamang pinangangalagaan pala ni Bishop Mercado. Maraming uri ng mga isda ang matatagpuan sa pond na iyon. Iba’t iba ang kanilang kulay at hugis. May malaki at may maliit. May mahaba at maigsi.


Bago ko malimutan, an gaming mga Facilitators ay sina Ate Donna, Kuya Jun at Kuya Mac.


Sa aming recollection, maraming aktibidades ang pinagawa sa amin tulad ng mga sumusunod:


1. Group Activity – lahat ay hinati sa iba’t ibang grupo. Ito ay binigyan ng iba’t ibang pangalan. Mayroong Obama, Teodoro, Aquino, Vllar, SJA at Jackson, kung saan ako ay napabiling.

2. Talakayan tungkol sa aming mga dala-dalang larawan

3. Talakayan tungkol sa aming mga dala-dalang album

4. Pagsusulit – ‘tricky questions’ ; 10 points

5. Pagdiriwang ng Misa – ito ay pinangunahan ni Fr. Don Cambe








GROUP ACTIVITY


Ito ay tinawag din naming Family Activity kung saan an gaming buong klase ay hinati sa anim (6) na grupo.


Ang anim na grupo ay ang mga sumusunod:

v VILLAR - ang unang group

v SJA - ang ikalawang grupo

v JACKSON – ikatlong grupo (kung saan ako nabibilang)

v AQUINO - ika-apat na grupo

v TEODORO – ika-limang grupo

v OBAMA – ika-anim / huling grupo


Pagkatapos kaming ibukol sa 6 na panghat, sinimulan na ang session.


Ang unang bagay na aming dapat gawin ay ang gumawa ng mga ‘cheers’ sa bawa’t grupo o pamilya. Nagpagkasunduan naming na sa bawat grupo ay may ilang miyembro ang sasayaw at ang iba naman ay kakanta o aawit. Dahil ang aking grupong kinabibilangan ay JACKSON ang pangalan, may ilang sumayaw ng tanyag na nag-moonwalk step at iba pang dance moves ni Michael Jackson.


Sa VILLAR Family ay kinanta nila ang TV Policital Ad ni Senador Manny Villar. Ito yung awit na:

Naligo ka nab a sa dagat ng basura
Nagpasko ka na ba sa gitna ng kalsada
Yan ang tanong namin
Tunay ka bang isa sa ‘min

Nalaman mo na bang mapapag-aral ka niya
Tutulungan tayo para magkatrabaho
At ang kanyang plano’y magka-bahay tayo.

Si Villar ang tunay na mahirap
Si Villar ang tunay na may malasakit
Si Villar ang may kakayahan na gumawa
Ng sariling pangalan
Si Manny Villar ang magtatapos ng ating kahirapan.


Ang SJA Family namay ay parang pang-cheerleading talaga. Sila’y tumalon-talon na parang mga tunay na cheerleaders. Lahat ng miyembro ng grupong ito ay babae.


Sa pamilyang TEODORO naman ay katulad ng mga sinasabi ni Sec. Gilberto “Gibo” Teodoro sa kanyang commercial.


Sa OBAMA family ay parang cheerleading din ang ginawa pero naiiba ang kanilang naging sayaw. Sayaw ng katutubong Ifugao ang kanilang itinanghal.




Pagkatapos naming mag pakita ng aming mga cheer, kami ay pinatahimik at ang aming mga facilitators ay nagsalita na. Bawa’t isa sa kanila ay nagpakilala sa amin sa pamamagitan ng pagsasabi ng kanilang mga pangngalan at kasalukuyang ginagawa o pinagkakaabalahan nila. Sila ay sina ATE DONNA, KUYA JUN at si KUYA MAC. Nagulat ako at di ko inakala na si ATE DONNA ay nandoon pala ilang facilitator. Dati po kasi siyang nagtratrabaho sa clinic kung saan ako nag papaayos ng ngipin. Binanggit niya ang pangngalan ko habang isinasalarawan niya ang kanyang mga pinagtrabahuhan noon. Nagulat ako na siya pala ayl nag bibigay na ng mga retreat o recollection. Siya na pala ang head ng youth ngayon sa parokya . Pangkalahatang pinuno siya sa mga bawat barrio tulad ng Manuyo, Poblacion, Ilaya, Aldana, at Pulanglupa. Sinabi niya nga rin na dati ay siya ay kabilang sa barrio Manuyo ngunit ngayon ay nasa Pulanglupa na. Sumunod na nagpakilala si KUYA JUN na kabilang sa barrio Ilaya. Nabanggit niya na kilala niya o namumukhaan niya ang iba sa aking mga kaklase. At sumunod at huli sa lahat ay si KUYA MAC. Nagbiro nga siya na ayaw na kami patayuin dahil sa height niya. Nasabi niya na kilala po niya ang aking nakababatang kapatid na si Darcy Anne.


Pagtapos nito ay pinaulit muna nila ang aking mga cheers at pinakain na muna kami. Ang inihandang pagkain para sa merienda ay spaghetti at Jungle Juice.


Matapos ang break na ito, kami ay hinayaan munang mag-reflect at magmuni-muni.


Si Ate Donna ay nagbigay ng ilang pahayag tungkol sa kung ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang ‘recollection’. Sinabi niyang ito ay ang pangongolekta ng mga pangyayari sa nakaraan o sabi nga collect the things in the past. Ito ay tila pagbabalik-tanaw din sa mga ginawa at pangyayari sa ating mga buhay sa nakalipas na mga panahon. Meron ding siyang ibinahagi ukol sa ‘What’z in a word?’ Halimbawa ay ang salitang LISTEN na kapag pinag-jumble mo ang mga letra ay SILENT. Di ba’t upang tunay na masabing ika’y nakikinig, ikaw ay tahimik upang mapakinggan ang sinasabi ng iyong kausap.


Tungkol naman sa VOICE ang tinalakay ni Kuya Mac. May pinagawa siya sa amin bago siya nagsimulang mag-talk. Pinapikit niya ang aming mga mata at sinabing pakinggan ang mga tunog sa aming paligid . Nang pinadilat niya na ang aming mga mata, syempre parang kaming nasilaw dahil ang tagal nang aming pagkakapikit. Tinawag niya at nilapitan sa bawa’t grupo. Sari-saring mga sagot ay an gaming ibinigay tulad ng hangin, aircon, dahon at tricycle. Ngunit bandand huli ay naibigay din naming ang ilang natatangi at ang tamang sagot. Ito ay ang paglunok ng aming laway at tunog o pintig (sabi nga ni Ate Donna ay ‘heartbeat’) ng aming puso.


Napag-alaman natin na mayroong dalawang (2) uri ng Voice:

v Internal noise or voice

v External noise or voice


Ang internal noise o voice ay ang mga tunog na maririnig mo mula sa loob ng ating mga katawan.


Ang external noise o voice naman ay mga tunog na maririnig mo mula sa iyong paligid o kalikasan tulad ng hangin , tunog ng mga sasakyan o tricycle, at iba pa.








Pagkatapos nito, kami’y nagkaroon ng maikling pagsusulit or short quiz. Medyo mahirap ang nasabing pagsusulit dahil ang mga tanong dito ay ‘tricky’. Dito ay kailangang gamitin natin ang ang ating common sense. Ang pinakamataas na marking nakuha ay 8 yata.



Mayroong binasa si Kuya Mac mula sa bibliya tungkol kay Hesus. Ito ay English -Tagalog na bibliya at binasa na ni Kuya Mac. Ang binasa niya ay tungkol sa “BEATITUDES”. Lahat ng ‘Beatitudes’ ay nag sisimula sa salitang “MAPALAD”. Ipinaliwanag niya ito sa amin.





















































TALAKAYAN TUNGKOL SA MGA LARAWAN – PICTURE OF ONE’S SELF


Pagkatapos ng mga pananalita nina Ate Donna at Kuya Mac, ipinalabas na nila sa amin ang aming mga album. Sinabi niya sa amin na pumili kami ng “picture(s) of me”. Naisipan kong kuhanin ang picture noong First birthday party ko at ang larawan naming magkakapatid – ako, si Darcy at si Eabiel.


Naglahad ang bawat isa sa amin ng mga dahilan kung bakit namin napili ang mga nasabing larawan. Ipinaliwanag namin kung kailan iyon at ano ang ginagawa namin sa mga picture na hawak namin.


Sa una kong picture , ako ay nagdiriwang na aking 1st Birthday at ang ikalawang picture namay ay kuha naming magkakaapatid noong kami ay magswimming sa Watercamp sa Kawit, Cavite. Si Herman ay picture niya kasama ang iba niyang kasama sa LPBC. Si Ingrid naman ay larawang kasama ang kanyang buong pamilya – mga magulang at mga kapatid. Samantala ang larawang pinili ni Daryl yung kasama ang kanyang buong pamilya noong ika-7th birthday niya at kasama ang mga kaibigan niya. Si Eigy ay kasama ang mga miyembro ng pamilya niya . Si Chazz naman ay kasama ang kanyang mga magulang at kapatid noong 1st Communion niya.

Lahat ay nag-share sa bawa’t grupo. Matapos noon ay ibinahagi ng bawa’t kinatawan ng grupo sa lahat ang aming mga na-ishare sa grupo. Si Herman ang naatasang mag-share para sa aming grupo dala ang aming mga napiling larawan.

Pagkatapos nito at sa pakiusap ng ilang mga kaklase namin lalung-lalo na si Eigy, kami ay pinakain na ng aming tanghalian. Maraming kay Eigy at ang grupo ko ang naunang pinapunta upang kumain. Fried Fried chicken at ginisang toge an gaming pananghalian. Wow, sarap!


Matapos kumain, ang iba ay naglakad-lakad sa paligid.
































TALAKAYAN TUNGKOL SA MGA LARAWAN – FAMILY PICTURE


Sinimulan naming ang sumunod na session sa pamamagitan ng pagsayaw saliw ng awit na Celebrate ng grupong A1.

Medyo hirap akong sumayaw noon kasi kakakain ko pa lang. Pero nag-enjoy din ako dahil simple lang ang mga steps. Kaya madaling sundan ng bawat isa sa amin.


Sumunod na activity ay upang malaman namin ang aming mga ugali. Dito ay may nakadikit na papel sa aming mga likod. Kailangang ipasulat namin sa aming mga kaklase ang kanilang saloobin o pagkakakilala sa amin. Marami kaming natanggap na positive feedbacks.


Ilang piling kamag-aral ang pinakiusapang sabihin ang mga nilalaman ng kani-kanilang mga papel. Sila ay sina AIRWINA, CHAZZ at ARMANDO.


Pagkatapos nito, kaming lahat ay inutusang kuhanin na ang aming kani-kaniyang litrato ng aming mga pamilya. Lahat ay kailangang mag-share tungkol sa bawa’t miyembro ng kanyang pamilya. Ilang impormasyong dapat na ibahagi ay ang pangalan ng bawat miyembro ng pamilya mo, saan nagtratrabaho ang magulang mo, ilan kayo sa pamilya at ano ang uniqueness ninyo kunyari lahat ay maliliit. Dahil dito, kami ay nagkaroon ng ideya kung sino ang miyembro ng bawat pamilya namin.

Sinimulan ang sharing sa pamamagitan ng opening prayer na pinangunahan ng aming leader na si Herman. Pagkatapos ng panalangin ay sinumulan na ni Herman ang paglalaarawan ng kaniyang pamilya.

Pagkatapos ni Herman ay ako na sumunod. Sinundan naman ni Ingrid. Sina Daryl at Chazz naman ang magkasunod na nag-share. Ang huling nagbahagi ay si Eigy na siya na ring namuno ng pangwakas o huling panalangin.

Natapos an gaming sharing sa loob lamang ng sampung (10) minute.

Inanyayahan ni Ate Donna ang iba na mag-volunteer kung sino ang gusting mag-share tungkol sa kanilang pamilya.

Sa pamamagitan ng sharing ay napag-alaman naming na ang ilan sa aming mga kamag-aral ay hindi na kumpleto ang kanilang pamilya dahil nagkahiwalay na ang kanilang mga magulang. Ang iba naman ay nasa ibang bansa ang isang miyembro ng pamilya dahil nag-tratrabaho para sa kapakanan ng pamilya. Dito ay kabilang na ang aking pamilya sapagkat ang aking ama ay nagtatrabaho sa banyagang bansa.

Matapos ang bahaginan tungkol sa bawat pamilya ay pinapikit na ni Ate Donna ang aming mga mata at pinag reflect kami sa kanyang mga sinasabi. Nang ipinamulat ng aming mga mata ay mayroong papel sa unahan namin. Dito ay pinagawa o pinasulat kami ng dasal para sa mga mahal namin sa buhay.

Pagkatapos sumulat ay iniligpit na namin ang aming mga gamit. Pumunta sa chapel at doon patuloy na nagnilay-nilay.












PAGDIRIWANG NG BANAL NA MISA


Matapos an gaming pagninilay-nilay, naghanda na kami para sa pagdiriwang ng banal na Misa.

Si Fr. Don Cambe ang aming priest presider sa pagkakataong ito.

Sinimulan ang misa sa pagkanta ng pambungad na awit na Bayan Umawit.

Sa homilya ni Fr. Cambe, muli niyang inilarawan ang tunay na kahulugan ng salitang ‘recollection’. Tumawag siya ang tatlong mag-aaral na sasabihin ang kanilang mga panalangin ukol sa ang mga pamilya at kung ano ang kahulugan ng pagkakaroon ng pamilya. Sila ay Jazele, Shane at Adrian.

Habang umaawit ng “AMA NAMIN”, lahat kami ay magkaka-hawak ng kamay.

Lahat ay nakiisa sa pagdiriwang ng Eukaristiya. Sabay-sabay kaming umawit .


Sa pagtatapos ng aming misa, lahat ay nagsipalakpak o sa salitang pang-parokya ay nagbigay ng maraming ‘bagsak’.



PAGTATAPOS


Bago kumalam ang aming mga tiyan at bago rin kami umuwi, kami ay binigyan ng snacks o merienda na hamburger at jungle juice.


Ito ay aming kinain habang nasa daan pauwi. Habang kumakain, pinagpatuloy namin ang hindi naming natapos na panooring SESAME STREET na tinatampukan ni Elmo. Dito ay kinanta niya na awiting “Elmo’s Song” na sinabayan namin. Masaya kaming nakisabay sa pag-awit ni Elmo.


Sa pagtatapos ng araw ng aming recollection, ako ay masaya. Dito ay lalo akong napalapit sa Diyos at natutunan kong lumapit sa kanya araw-araw at sa bawat oras. Dito ay aking nalaman na Siya ay laging nandiyan lamang parati sa ating tabi. Tayo ay hindi niya pababayaan sa lahat ng ating mga pangangailangan.






















REAKSIYON



GROUP/FAMILY ACTIVITY


Napansin kong karamihan ng nagging pangalan ng grupo ay hango sa mga ilang tanyag na tao. Karamihan ay may kinalaman sa politika. Ano kaya ang ibig sabihin nito?

Para sa akin, nakikita nating karamihan sa ating kabataan ay hindi nahuhuli sa mga pangyayaring political. Ipinapahiwatig din nitong may kani-kaniyang pananaw ang bawat isa sa atin ukol sa mga maimpluwensiyang tao sa hindi lamang dito sa ating bansa kundi pati na rin sa banyagang lugar.

Sa pamilyang Villar, nakikita ko ang pagiging tunay na Las Piñero ng ilan nating kaklase. Siguro ay naihahalintulad nila ang kanilang kalagayan kay Villar. Ang pag-ahon nito mula sa hirap sa pamamagitan ng pagiging masipag at matiyaga. Dito ay maaari din nating makitang maaaring maging mga negosyante mula sa aking mga kamag-aral. Naiisip ko ding maaaring may pumasok sa politika upang makatulong sa ikauunlad ng ating bayan.

Sa pamilyang SJA, loyalist lang siguro sila. Mahal nila ang ating paaralan at naniniwala sila sa mga adhikain nito. Naniniwala silang dito ay magkakaroon sila ng matibay ng pundasyon tungo sa mas mabuting buhay ispirituwal, magandang kinabukasan at tungo rin sa pagkamit ng kanilang mga mithiin sa buhay.


Sa pamilyang JACKSON, aking naiisip ang pagiging bata sa tingin ng ating Panginoon. Si Michael ay nabuhay para sa mga bata at parang isang bata. Hindi ba’t ang pagiging inosente ng mga bata ay tunay na kalugod-lugod sa Panginoon sapagkat sila ay walang masamang iniisip o ginagawa. Isa pang aspeto sa buhay ni Michael Jackson ay ang musika. Para sa kanya at siguro naman ay para sa ating lahat, ang musika ay pag-ibig. Ito ay pinakamahalagang mensahe ng musika. Nakita ko ring kung paanong ang musika ay naging napakahalagang bahagi ng ating mga buhay. Sa ganang akin, ang aking buhay ay hindi magiging kumplete kung wala ang musika. Sa musika, nagkakabuklod-buklod ang lahat. Ito ay isang paraan tungo sa kapayapaan. Sa pamamagitan ng musika, naipararating natin sa iba ang ating mga saloobin.

Sa pamilyang AQ UINO, ang pagsa-SAKRIPISYO at ang matibay na pananalig sa Diyos ang aking naaalala. Maraming paghihirap ang dinaanan ng mga Aquino ngunit hindi sila sumuko. Ipinaglaban nila ang ating kalayaan mula sa mga nagsasamantala. Hindi matatawaran ang pag-aalay ng buhay ng mag-asawang Ninoy at Cory para sa ating bansa. Ang pagiging madasalin ni Tita Cory ay tunay na ehemplo ng isang mabuting Katoliko, isang mabuting Kristiyano, isang tunay na anak ng Diyos. Kaniyang ipinakita sa mamamayang Pilipino na walang imposible basta’t nananalig ka sa Diyos, na tayo ay dapat na patuloy na magtiwala sa kapangyarihan at pagmamahal ng Diyos sa ating sambayanan.

Sa pamilyang TEODORO, nababanaag ko ang pagiging tapat at tunay na paglilingkod sa bayan. Sa pagkakaalam ko, si Gibo ay walang bahid. Malinis siyang namahala sa kanyang probinsiya. Ang kanyang talino at sipag ay maaaring tularan ng ating mga kabataan. Ang kanyang pagmamahal sa bayan ay hindi rin matatawaran.

Sa pamilyang OBAMA naman, nakikita ko ang pagiging idealismo. Nakikita ko rin ang pantay-pantay na pagtingin sa lahat kahit magkakaibang kulay o lahi. Siguro ay nakita din nila ang magandang kinabukasan na ipinangako ni Pres. Obama sa mga Amerikano. Ang kanyang sipag, dedikasyon , puso at talino ay magandang katangian ng isang tunay na lider. Sa kanya ay may pag-asang makakaahon muli ang ekonomiya hindi lamang ng Estados Unidos kundi ng buong mundo. Si Obama ay mas pinipili ang mapayapang paraan sa paglutas ng mga hindi pagkakaunawaan ng ilang bansa. Ipinapakita nito ang kanyang pagiging isang mabuting tao.






TALAKAYAN TUNGKOL SA MGA LARAWAN – PICTURE OF ONE’S SELF



Sa pamamagitan ng mga larawan, magkakaroon ng ideya ang ilan nating mga kasamahan kung sino at ano tayo.

Sa pamamagitan ng mga larawan, malalaman nila kung ano ang mahalaga sa atin.

Sa pamamagitan ng mga larawan, ilang aspeto ng ating sarili ang naibabahagi natin sa mga nakapaligid sa atin.






TALAKAYAN TUNGKOL SA MGA LARAWAN – FAMILY PICTURE


Sa talakayang ito, mas nakilala namin ang bawat isa. Marami kaming natuklasang mga bagay-bagay tungkol sa aming mga kaklase.


Sa pagbabahaginan naming sa sesyon na ito, mas naitindihan namin ang isa’t isa. Napag-isip isip din namin ang dahilan kung bakit ang isa naming kasama ay ganito o ganiyan ang pag-uugali o pakikitungo sa iba. Dito ay nalaman kong may pareho at mayroon ding iba’t ibang pagkakakilala sa akin. Mas nakilala ko ang aking sarili mula sa paningin ng iba. Sa pamamagitan nito ay maaari kong pagbutihin ang aking sarili hindi lang bilang isang mag-aaral, kundi bilang isang anak, kapatid at kaibigan.


Sa pagbabahagi ng aming mga sarili, nalaman naming may mga pagkakapareho at pagkakaiba ang aming mga pamilya. Dito ay naging mas malinaw na ang PAMILYA ay napakahalaga sa ating buhay. Dapat natin itong pangalagaan. Dapat ay nagmamahalan at nagbibigayan ang bawat miyembro nito. Ang pamilya bilang pundasyon ng isang pamayanan ay dapat na matibay. Ang pamilya ang buhay ng isang maunlad na bayan.

Sa mga larawang aming nakita, mas lalong natiim sa aking isip at puso na dapat nating igalang, pangalagaan at mahalin ang ating mga magulang at kapatid. Sila ang ating makakasama at magiging karamay anuman ang ating pagdaanan sa hinaharap. Sila rin ang tutulong upang maitaguyod natin ang ating mga sarili at pati na rin an gating sari-sariling pamilya.





















PAGDIRIWANG NG BANAL NA MISA


Sa pagdiriwang ng Misa, muling ipinaalala sa amin ni Fr. Don Cambe ang kahulugan ng ‘recollection’.

Sa pagbabalik tanaw sa ating nakaraan at sa ating pagmumuni-muni o pag-iisip, ating natutuklasan ang mga nagawa nating tama at mali. Dahil dito, natututo tayong baguhin ang ating mga sarili upang maging mas mabuting tao.

Pinaalala din ni Fr. Cambe ang kahalagahan ng pamilya. Dapat nating panatilihing buo at matatag ito.



PAGTATAPOS


Ang recollection na naganap ay matuturing na isang tagumpay para sa aming lahat.

Dito ay natuklasan ko kung ano ang tingin ng ibang tao sa akin. Dahil sa kanilang mga komento (positibo man o negatibo), mas naging maliwanag sa akin ang ilang aspeto ng dapat kong pagbutihin at baguhin. Mas nakilala ko na ang aking sarili.

Nalaman kong ang musika ay bahagi talaga ng aking buhay. Ito ay mananatiling isa sa mga bagay na aking pahahalagahan.


Sa akin, natutunan kong pahalagahan ang bawat sandaling kasama ang aking pamilya. Napukaw ang aking mata sa mahalagang papel ng bawat miyembro ng pamilya. Dito ay aking napagtantong tunay na maaasahan ang ating pamilya sa lahat ng oras. Na sila ang iyong karamay sa hirap at ginhawa.

Sa recollection na ito ay lalong umigting ang aking pagnanais na maging mas malapit sa Diyos. Dapat kong ipagpatuloy ang palaging pagdarasal. Dito ay napukaw ang aking damdamin upang maging mas mas mabuting Kristiyano at maging karapat dapat tawaging anak ng Diyos.

Sa bawat recollection, mas nakikilala natin hindi lamang ang ating sarili kundi mas napapalapit tayo sa diyos. Nakikita natin ang positibo at negatibong attitude natin at mas madali natin itong mababago dahil sa mga tao sa paligid mo.